
Primary at secondary (Primary at Secondary Education)
Ang bawat lalawigan at teritoryo ay may kanya-kanyang sistema ng edukasyon. Ang mga sistemang pang-edukasyon ay karaniwang magkapareho sa buong Canada na may ilang mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga lalawigan at teritoryo. Ang edukasyon sa Canada ay karaniwang nagsisimula sa kindergarten na sinusundan ng mga baitang 1 hanggang 12.
Karaniwang nagsisimula ang school year sa katapusan ng Agosto/unang bahagi ng Setyembre at nagtatapos sa katapusan ng Hunyo. Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan mula Lunes hanggang Biyernes sa taon ng pasukan. Kung ikaw at ang iyong pamilya ay dumating sa Canada sa taon ng pag-aaral, makipag-ugnayan sa iyong lokal na lupon ng paaralan upang makahanap ng lugar para sa iyong mga anak.
Dahil ang Canada ay isang bilingual na bansa, ang mga paaralang English-language at French-language ay available sa buong bansa.
Language:


