
Health Insurance
Maaari kang maging karapat-dapat na ma-aprubahan para sa pampublikong health insurance. Gamit ito, hindi mo kailangang magbayad para sa karamihan ng mga serbisyong pangkalusugan. Ang unibersal na pangangalaga ng kalusugan ay binabayaran sa pamamagitan ng buwis. Kapag gumagamit ka ng mga pampublikong health-care services, kailangan mong ipakita ang iyong health insurance card sa ospital o medikal na klinika.
Kung dumating ka kabilang sa Seasonal Agricultural Workers Program (SAWP), maaaring makipag-ugnayan sa iyong employer para sa detalye ng health coverage para sayo.
Gamitin ang iyong smartphone para i-scan ang QR code. Bibigyan ka nito ng detalyadong impormasyon.
Para malaman ang tungkol sa Planong Medikal ng British Columbia:

Bawat probinsya ng Canada ay may partikular na regulasyon ng mga medical insurance. Para sa karagdagang impormasyon, kontakin lamang ang iyong employer o bisitahin ang provincial health insurance website. O, i-scan ang sumusunod na QR code:



