
FAQ
Saan ko makokolekta ang aking mga bagahe?
Ang iyong bagahe ay ibibigay sa isang carousel sa customs arrival hall. Maaari kang makakuha ng numero sa carousel mula sa isang CANN Officer o anumang information desk sa paliparan ng YVR.
Papaano kung maiiwan ako sa aking susunod na konekting flight?
Kailangan mo pa ring kumpletuhin ang iyong interbyu sa paglanding bago ka makapagpatuloy sa iyong huling patutunguhan. Karamihan sa mga eroplano ay may kamalayan sa pamamaraan ng proseso sa paglanding at tutulongan kang makakuha ng susunod na bakanteng biyahe sa iyong patutunguhan.
Papaano kung naiwan na ako ng flight?
Mangyaring lapitan ang isang CANN Officer, o isang opisyal ng CBSA, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamamaraan kung naiwan ka ng iyong flight.
Pwede ba ako mag-aplay ng Social Insurance Number (SIN) dito sa paliparan ng Vancouver?
Hindi, maaari kang mag-apply online o sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi ka makapag-apply online o sa pamamagitan ng koreo maaari mong bisitahin ang kalapit na lokasyon ng Serbisyo Canada Center sa iyong huling patutunguhang lungsod.
Paano ako makikipag-usap sa isang opisyal ng CBSA kung hindi ako marunong magsalita ng Ingles?
Nagbibigay ang CBSA ng mga sumusunod na mapagkukunan: Ibat’t-ibang lingguwaheng nakasulat na impormasyon sa Custom Declaration, at interpretasyon(batay sa pagkakaroon).
Mayroon bang mga organisasyon na maaaring makakatulong sa aking mga katanungan na may kaugnayan bilang isang Pansamantalang Dayuhang Manggagawa?
Oo, may mga samahang pangkomunidad na maaaring magbibigay nang libreng tulung. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring lumapit sa isang CANN Officer.


